MY FIRST EASTER

MY FIRST EASTER

There’s a first time for everything. And when we do something for the very first time, it is always exciting. Exciting in a sense that you feel different emotions. Nakakatuwa na nakakatakot. Nariyan ang thrill but at the same time nariyan din ang kaba. Gusto nating gawing memorable ang gagawin nating bagay sa unang beses, we wish na maging perfect, pero nandoon na nagiging awkward yung mga kilos natin. Just like when we fall in love the very first time. Masarap sa damdamin na makita at makasama ang taong ating minamahal. We like every single moment na maging memorable together with that person who we adore. Dapat perfect di ba?

And this is absolutely true to my case. I was just ordained as priest last August, wala pa po akong isang taon. Kaya ang mga bagay bagay na aking ginagawa ay pawang mga first time para sa akin. Fresh na fresh pa sa aking alaala ang mga bagay na ginawa ko ng first time bilang isang pari. The first mass I celebrated in my home town in Bulacan. My first baptism. Yung unang kasal that I solemnized, yung kasal ng classmate ko nung high school. Yung unang anointing of the sick. Yung unang house blessing. Yung unang nagpaconfess ako. All of these sacraments and sacramentals I administered the first time, I tried to do them with utmost care and I really savored each and every moment. Exciting. Nakakatuwa. Nakakatakot. Thrilling. Nakakakaba.

Dito nga rin pala sa Shrine of our Lady of Manaoag ang aking unang assignment as a priest. Kaya sobrang tuwa ko na dito ako dinala ng aming Provincial. Dito ako nagcelebrate ng unang pasko ko bilang pari. Punong puno ng tao ang simbahan lagi dito sa Manaoag, madaming pilgrims. Madaming devotees. Kaya naman napakasaya ko when I celebrated my first Simbang Gabi mass. Pati na rin yung mga barangay masses. Kaya I was expecting na magiging exciting din ang aking celebration ng misa sa Holy Week and Easter. Iniimagine ko na na puno ng tao ang Simbahan. Maraming mangungumpisal. Madaming sasama sa mga prusisyon at Salubong. Ngunit ang aking excitement ay naglaho nung nagkaroon ng enhanced community quarantine dahil sa Covid 19. Pinagbawalan ang misa kasama ang public para sa kapakanan nating lahat. Ilang linggo na ring hindi kami nakakapagmisa na puno ang simbahan ng mga pilgrims and devotees. Yung aking excitement, napalitan ng lungkot. In my mind, on Easter Day, when Mary Magdalene saw an empty tomb, what I will be seeing is an empty church. Jesus Christ is not in the tomb. The People of God is not in the church. Naroon ang pangungulila na magbigay ng communion sa mga taong nagnanais tanggapin ang katawan ni Kristo. There is that longing to give the sign of peace to our brothers and sisters in Christ. There is the longing to proclaim God’s Good News in front of the congregation. Because of all these deprivations, ramdam na ramdam natin ang kawalan, emptiness.

Dahil hindi makapunta ang tao sa simbahan upang makita si Hesus, ang simbahan na ang lumapit sa tao nang kanilang maramdaman na kasama nila si Hesus ngayong tayo ay puno ng pangamba at kalungkutan dulot ng krisis na ating hinaharap. Noong nakaraang mga Mahal na Araw, umikot kaming mga pari sa mga barangay dito sa Manaoag upang basbasan ang mga palaspas, dalhin ang Banal na Sakramento at dalhin ang Krus ni Kristo nang sa ganun, di man makapunta sa Simbahan ang mga mananampalataya, ang mga pari na ang gumawa ng paraan upang maramdaman ng mga mananampalataya na sila ay kaisa ng Simbahan sa kanilang kalungkutan at mga pangamba. At sa aming pag-iikot, nakita ko ang pagkauhaw ng mga tao kay Kristo. Sa aming pagdaan sa mga kalsada, makikita ang mga taong nakaluhod at nananalangin. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na sila ay pinuntahan mismo ni Kristo sa kanilang komunidad. I was deeply touched seeing people crying. I felt their thirst and hunger for Christ.

I realized that God allows us to feel this emptiness in our heart so that it can be filed with his love. And where did I find that love during this trying times.? Nakita ko ang pag-ibig ng Diyos sa mga taong nakita ko sa aming pag-iikot. Pinuno nila ang aking puso ng pag-ibig ng Diyos sa pananampalatayang kanilang ipinakita. At marahil, napuno din ng pag-ibig ng Diyos ang kanilang mga puso nang makita nila si Kristo sa aming pag-iikot sa kanilang komunidad. Kailangan nating maranasan ang kawalan upang maranasan natin na tayo ay mapuno.

My dear brothers and sisters, this COVID 19 crisis too shall pass. Lilipas din ito. Maraming magbabago and I hope things will change for the better when all of this finally ends. Ngunit ang aking dasal ay sana may isang bagay ang hindi magbago. Ang bagay na ito ay ang aking nakita, for the very first time, sa aming pag-iikot sa mga kominidad ng mga mananampalataya. Sana ay hindi ito mawala o mabago. Ito ang pagkauhaw at pagkagutom nating mga Kristyano sa ating Panginoong Hesus. Let us keep that hunger and thirst for Christ. Let us keep our hearts empty, empty of selfishness, of pride, of self-righteousness, of lust and of greed. Sabi nga ni St Paul in the Second Reading, “Let us celebrate the feast, not with the old yeast, the yeast of malice and wickedness, but with the unleavened bread of sincerity and truth” (1 Cor 5:8). Keep our hearts empty so that God can fill it with his love.

The tomb is empty. Christ is not there. The church is empty. The People of God is not there. But this emptiness gives us hope. This emptiness strengthens our faith. This emptiness is needed for us to receive the unconditional love of the Risen Christ.

This is my first experience of Easter as a priest. I have to feel this emptiness as a young priest so that I will not be full of myself so that there will be space in my heart for the love and peace of Jesus Christ. Very memorable, indeed. A blessed Easter to everyone.